Ito ang malinaw na posisyon ni election lawyer Romulo Macalintal, kinatawan ni Vice President Leni Robredo, sa pagsang-ayon na maisama ang lahat ng certificates of canvass (COCs) para sa pangulo.

Matatandaan na nauna nang hinikayat ni Robredo ang mga tagsuporta na unti-unti nang tanggapin ang kinahinatnan ng halalan.

“Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal ninyo, kailangan nating pakinggan ang tinig na ito,” ani Macalintal.

Muli ring ginamit ng abogado ang linya ni Robredo sa naganap na thanksgiving noong nakaraang linggo. “Habang lumilinaw na ang litrato, kailangan natin simulang tanggapin na hindi ayon sa mga pangarap natin ang resulta ng eleksyon,” dagdag nito.

“Consistent with such pronouncements by VP Leni Robredo, and so as not to delay the proceedings of this board, we would like to make of record our continuing manifestation that we interpose no objection to the inclusion in the canvass of all the COC for president,” anang abogado.

Hiniling din ng kampo ni Robredo na mapabilis ang proceeding ng joint committee.

“With that continuing manifestation, may we be allowed to respectfully waive our appearance before this joint committee to further expedite its proceedings,” aniya.

Sa malinaw na pag-concede ni Robredo, kinilala ng legal na konseho si Presumptive President Bongbong Marcos Jr. na si Vic Rodriguez ang ipinakitang pagkamakabayan ng Pangalawang Pangulo sa pagkilala nito sa integridad ng resulta ng halalan.