Binigyang-pugay ng Eastwood City sa Quezon City ang yumaong 'Queen of Philippine Movies' na si Susan Roces, matapos nitong pumanaw noong Biyernes ng gabi, Mayo 20.

Kilala ang Eastwood City sa paglalagay ng 'Walk of Fame' para sa mga kilalang celebrity sa Pilipinas.

"Eastwood City and the Walk of Fame Foundation join the local entertainment industry in remembering the Queen of Philippine Movies, Ms. Susan Roces. She passed away peacefully on May 20, 2022. #WalkOfFame #EastwoodCity," nakasaad sa caption ng Facebook post noong Sabado, Mayo 21.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Larawan mula sa FB/Eastwood City

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Eastwood City

Nagluluksa ang industriya ng showbiz sa pagkawala ng isa sa mga haligi ng Philippine Cinema. Si Susan ang misis ng yumaong action star na si 'Da King' Fernando Poe, Jr. na siyang itinuturing namang 'King of Philippine Cinema'.

Ayon kay Senator-elect Raffy Tulfo, bginabalak umano ng kaniyang misis na si Rep. Jocelyn Tulfo na mag-file ng isang House Resolution sa susunod na linggo, “na mabigyang-pugay ang legacy ni Tita Swannie at mainominate siya sa para sa parangal na National Artist.

Nagpahatid na rin ng pakikiramay ang Palasyo para sa naiwang pamilya ng namayapang beteranang aktres.