Nagtayo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng command observation post sa tatlong isla na sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Kumpiyansa si PCG Commandant Admiral Artemio Abu na mapalalawak ng nasabing outpost ang pagbabantay sa teritoryo ng bansa sa WPS.

Mapalalakas aniya ng nasabing outpost ang isinusulong ng PCG na kaligtasan sa karagatan, pagsasagawa ng search and rescue at pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang sa tinayuna ng outpost ay ang Likas Island, Parola Island at Lawak Island.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bahagi aniya ito ng kautusan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Transporation Secretary Art Tugade bilang suporta sa maritime transportation at shipping industry ng bansa.

Suportado ni National Task Force for the WPS, National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr. ang naturang hakbang.

Malaking tulong aniya ito upang bigyang-gabay ang mga dayuhan at lokal na barko na daraan sa karagatang sakop ng Pilipinas.