Matapos ang kampanya para sa eleksyon 2022, balik na sa normal na buhay ang tinaguriang 'Mr. Renewable Energy' na si Gab Valenciano.

"Back to the grind! Filmmaking. Music and video production. Sound design. Campaign management. Social media marketing. And much more," sey ni Gab sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 19, 2022.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaan na isa si Gab sa mga artistang volunteer na nagperform sa kasagsagan ng kampanya nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan. Kasama pa niya ang kaniyang ama na si 'Mr. Pure Energy' Gary Valenciano.

Katunayan siya rin ang gumawa ng isa sa mga sikat na campaign songs ni Robredo na "Ang Presidente-Bise Presidente."

Naging usap-usapan din si Gab at si Archie Alemania noong panahon ng kampanya. Matatandaan na ginagaya ni Archie ang chant at umano'y dance moves ni Gab noong magperform siya sa campaign sortie ng BBM-Sara tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/

Gayunman, sinabi naman ni Archie na wala silang samaan ng loob ni Gab.

“Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob. Dati pa magkaibigan naman kami n’yan. Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” pahayag ni Archie.

Iginiit ni Archie na isa siyang komedyante at wala naman daw siyang intensiyong mang-inis o mang-asar. Mas gusto nga raw niya na siya ang pagtawanan ng mga tao.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/17/archie-alemania-di-pa-nakakausap-si-gab-valenciano-wala-naman-kaming-samaan-ng-loob/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/17/archie-alemania-di-pa-nakakausap-si-gab-valenciano-wala-naman-kaming-samaan-ng-loob/