Isinara na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang transparency media server (TMS) sa Quadricentennial Pavilion sa University of Santo Tomas nitong Biyernes.
Nilinaw ni Director James Jimenez na inabisuhan na nila ang lahat ng political party, accredited media organization at accredited citizens' arm ng Comelec na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na inihinto na nila ang operasyon ng TMS.
Sa datos ng Comelec, umabot na sa 98.35 porsyento ng election returns ang dumaan sa transparency server.
Gamit ang transparency server, nagsagawa ng pagkukumpara ang PPCRV sa naipadalang election returns (ERs) at sa isa pang naimprenta na mula sa Vote Counting Machines (VCMs).
Sa pinakahuling natanggap ng TMS, nangunguna pa rin sa pagka-pangulo si Ferdinand Marcos, Jr. sa botong 31,104,175..
Dhel Nazario