Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na nakapagtala na ang Pilipinas ng 14 na kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12.1.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa sa nasabing kaso ang naitala sa Metro Manila habang ang 12 iba pang kaso ay na-detect sa Puerto Princesa City sa Palawan.

“We have detected 14 individuals with BA.2.12.1. Twelve galing sa [came from] Puerto Princesa, dalawa galing sa [two came from] NCR (National Capital Region),” anito.

Nilinaw ni Vergeire, ang dalawang nahawaan ng sub-variant sa NCR ay bakunado na at naturukan na rin ng booster shot, gayunman, nakaranas ang mga ito ng sintomas.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Nakarekober na rin aniya ang dalawa matapos makumpleto ang itinakdang home isolation.

Nasa 39 aniya ang naging close contact ng dalawang pasyente. Pawang asymptomatic umano ang mga ito.

“Inaalam natin ngayon ang kanilang vaccination status at saka ang kanilang status sa kanilang quarantine," anang opisyal.

Noong nakaraang buwan, naitala ang unang kaso ng sub-variant sa Baguio City nang mahawaan nito ang isang babaeng taga-Finland na dumalaw sa bansa upang magsagawa ng weaving seminar sa lungsod.

“In totality, itong dalawang ito pareho silang more transmissible than the original Omicron variant at saka pareho silang may possibility ng immune escape based from the experts or the studies that are coming out,” dagdag pa ni Vergeire.

Ang nasabing sub-variant ay unang nadiskubre saUnited Kingdom, United States, at Canada.