Ibinahagi ng actress na si Ellen Adarna na ipinatanggal na niya ang breast implants niya dahil nakakaranas na siya ng pananakit ng likod at pagkahapo.

Ayon sa Instagram stories ni Ellen noong Mayo 8, ito na ang panahon upang magbabu na sa 'breast implant illness' o ang mararanasang mga sintomas matapos ang pagsailalim sa breast augmentation at implants. Naapektuhan daw nito ang kaniyang paghinga.

"Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog. It was fun while it lasted… The end,” saad ni Ellen sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ellen Adarna says goodbye to implants – Manila Bulletin
Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna

Inamin ni Ellen na noong 2014 pa siya nagpalagay ng pekeng boobelya.