Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang walang patid na operasyon ng MMDA New Task Force Special Operations at Anti-Colorum Unit laban sa mga lumalabag sa batas trapiko, kasama ang illegal parking, out-of-line at hindi rehistradong mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa report ng MMDA, sa kanilang operasyon mula Abril 1 hanggang Abril 27, umabot sa 1,426 natiketan, 198 ang na-tow na sasakyan at 236 ang na-impound.
Sa naturang bilang, 32 rito ang out-of-line habang 28 ang colorum na sasakyan.
Nakatuon sa isinagawang clearing operation ang mga ilegal na nakaparadang sasakyan sa kalsada at ano mang uri ng traffic obstruction sa mga lansangan.
Inilahad ng MMDA na ang colorum ay mga sasakyang nagsasakay ng pasahero o cargo na ginagamit ng mga ilegal na operator upang pagkakitaan kahit prangkisa/provisional authority o special permit habang ang out-of-line na sasakyan naman ay pagbiyahe sa labas ng kanilang naka-rehistrong ruta.