Nagsimula nang sumailalim ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng taunang physical examination upang siguruhin na maayos ang kanilang kalusugan.

Kabilang sa physical exam ay ang X-ray at blood tests para tiyaking fit to work ang mga tauhan ng ahensya.

Ang taunang physical exam sa pangunguna ng MMDA Medical and Dental Clinic ay para malaman ang estado ng kalusugan ng mga kawani hindi lamang para sa kanilang kapakanan kundi para na rin sa kaligtasan ng kanilang nakakasalamuha habang gumaganap ng kanilang tungkulin.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review