Mahigit sa 5,500 na pulis ang tinanggal sa serbisyo kaugnay ng pagkakasangkot sa iba't ibang kaso mula noong 2016 hanggang 2022.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos nitong Biyernes.

Paliwanag ni Dionardo, kabuuang 5,599 ang inalis sa serbisyo mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2022 dahil sa kasong administratibo.  

Isinagawa aniya nito ang hakbang batay na rin sa rekomendasyon sa kanya ng Internal Affairs Service (IAS) na humawak sa mga kaso ng mga nasabing pulis.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Aniya, bahagi ito ng programa upang malinis ang kanilang hanay sa mga hindi karapat-dapat na pulis at upang maibalik ang tiwala ang tiwala ng publiko sa mga awtoridad.

Sa bilang ng mga sinibak sa serbisyo, umabot sa 714 ang sangkot sa iligal na droga.

Sa datos ng PNP, aabot sa 1,129 na pulis ang na-demote o ibinaba ang kanilang ranggo, 10,490 ang suspendido, 848 ang nahaharap sa forfeiture of salary o pagbawi sa kanilang suweldo, 2,475 ang reprimanded o kinastigo, 208 ang restricted o pinagbawalang mag-duty at 286 naman ang pinigil ang kanilang mga pribilehiyo.