Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang mga larawan ng house to house campaign ni Sam Concepcion para kay Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo. Ang singer, hindi nakaligtas sa tagay!

Isa sa mga out and proud Kakampink ang “Diwata” singer na si Sam na nakiisa pa kamakailan sa record-breaking na Pampanga rally ni Robredo at running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa pagpapaigting pa ng kampanya ng manok sa pagkapangulo, isa si Sam sa mga celebrity na todo-kampanya kay Robredo sa pamamagitan ng H2H campaign o mas tinatawag ng Team Leni Robredo na “Tao sa Tao.”

Sa mga larawang ibinahagi sa kanyang Facebook page, all-smile at game na game si Sam para himukin ang ilang binisitang residente para iboto ang Leni-Kiko tandem.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Larawan mula Team Leni Robredo

Hindi naman nakaligtas si Sam sa mga nag-iinumang residente sa kanyang H2H session. Sa isang larawan, tila napaupo pa ang singer sa nagtatagayang mga lalaki.

Sa Twitter, makikita ring muling inalok si Sam ng tagay. Birong tanong ng isang netizen: “Nakailang shot ka today, Sam?”

https://twitter.com/sam_concepcion/status/1513494798736723983

Retweet ng singer, “Para sa bayan [sad emoji]”

Samantala, ilang celebrities at online personalities na rin ang nakiisa sa “Tao sa Tao” campaign ni Robredo kabilang sina Angel Locsin, Rica Paralejo, Agot Isidro, Marjorie Baretto, bukod sa iba pa.

Ang magkapatid na si Aika at Tricia naman ang nanguna sa parehong istilo ng pangangampanya nitong pagpasok ng Abril.