Tumaas ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Paliwanag ni Claire Dennis Mapa, National Statistician, civil registrar general ng Philippine Statistics Office (PSA), tumaas na sa3.13 milyon ang mga tambay mula sa 2.93 milyon na naitala noong Enero.
Katumbas ito ng 6.4 percent na unemployment rate na pinakamababa mula noong sumampa ito sa pinakamataas na 17.6 percent o 7.3 milyong walang trabaho noong Abril 2020 na kasagsagan ng lockdown dahil sa Covid-19.
Sa kabila nito, mas mababa pa rin ang bilang ng mga walang trabaho nitong 2022 kung ikukumpara sa 4.19 milyong walang trabaho sa parehong buwan noong 2021.
Dumami aniya ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho nitong Pebrero kasunod na rin ng pagluwag ng Covid-19 restrictions sa bansa.