Patay ang isang babaeng senior citizen nang makulog sa nasusunog na bahay nito sa San Mateo, Rizal nitong Martes ng hapon.

Sunog ang bangkay ni EmelianaMendoza, 63, taga-Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal nang matagpuan ng mga awtoridad sa kuwarto nito.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police, ang insidente ay naganap bahay ng biktima dakong 1:30 ng hapon.ng biktima.

Hindi naman umano nakalabas ni Mendoza dahil mahimbing itong natutulog sa ikalawang palapag ng bahay nang sumiklab ang apoy.

Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga

Mabilis naman umanong nakaresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at naapula ang apoy dakong alas-2:11 ng hapon.

Tinatayang aabot sa₱60,000 ang halaga ng natupok na ari-arian sa insidente na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad.