Isa sa mga suliraning kinaharap ng mga guro sa pagpasok ng makabagong teknolohiya ay ang pagkabaling ng atensyon ng mga mag-aaral sa mga online games, na minsan ay mas pumupuno pa sa oras at atensyon nila, kaysa sa pag-aaral. Paano kung sa halip na pagbawalang maglaro, maging kasangkapan pa ang mga online games upang magpahatid ng pagkatuto?

Iyan ang layunin ng Department of Education (DepEd) kaya ang patok na computer game noon na 'Minecraft' ay isa na ring learning tool o kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua, ang ganitong inobasyon ay makatutulong sa mga mag-aaral upang mas maging kawili-wili ang kanilang pagkatuto.

BALITAnaw

#SagipPelikula: Bakit dapat tangkilikin ng bagong henerasyon ang classic films?

May be an image of 1 person and text
Screengrab mula sa FB/Department of Education

"Ang kilala nating computer game noon, isa nang learning tool ngayon!" saad sa Facebook post ni Pascua.

"Hatid ng Minecraft for Education ang mga aralin at gawaing akma sa proseso ng pag-aaral ng mga bata at pagtuturo ng mga guro sa makabagong panahon."

"Sa pamamagitan ng ganitong klaseng plataporma, nagiging mas kawili-wili ang pagkatuto at mas kapakipakinabang ang gamit ng teknolohiya para sa mga mag-aaral."

Ayon pa kay Pascua, ang Pilipinas daw ang unang bansang makararanas ng pilot testing ng Minecraft Education.

"To our 900K teachers and 23M learners, use this opportunity to enhance teaching and learning using technology with Minecraft Education edition."

"Let us encourage more teachers and learners to actively use this tool for game-based learning to improve teaching and learning processes in today's technologically advanced world."

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng partnership ng DepEd sa Microsoft Philippines.