Agad na nag-trending ang sexy comedian star na si Rufa Mae Quinto sa Twitter matapos siyang maispatan sa campaign rally ng UniTeam sa Zamboanga City nitong Martes, Marso 29, 2022.

Makikita ang kaniyang litrato habang nasa entablado ng Summit Center ng Universidad de Zamboanga, kung saan nakikipagkulitan siya sa ilang UniTeam slate at mga tagasuportang dumalo.

Image
Rufa Mae Quinto (Screengrab mula sa Twitter)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Kumakalat din sa Twitter ang litrato nila nina Ai Ai Delas Alas at Juliana Parizcova Segovia. Hindi mana natukoy kung kailan ito.

Image
Juliana Parizcova Segovia, Rufa Mae Quinto, at Ai Ai Delas Alas (Larawan mula sa Twitter)

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizen.

"Go go go Rufa Mae wag mo pakialaman mga maka-lugaw jan!!!!!!!!"

"Next level na 'to! Hayaan n'yo na si Rufa Mae kung saan niya gusto."

"Rufa Mae Quinto: Go! Go! Go! to the highest level!"

"Hayan na naman… may ikukuyog na naman… lahat na naman ng linya sa pelikula gagamitin laban kay Rufa Mae.. tsk tsk.. ilalabas na naman ang mga 'ka witty-han' habang sinasarcastic yung tao…"

May mga netizen pa na nag-ungkat na huwag na raw magtaka ang mga tao dahil siya nga raw si 'Booba', ang naging karakter niya sa isang comedy movie na pinagbidahan kasama si Ai Ai Delas Alas, sa direksyon ni Joyce Bernal.

"Eh di ba nga si Rufa Mae eh si BOOBA kaya huwag na kayo magtaka. Bwahahahaha!!!!" saad nito.

Screengrab mula sa Twitter

Ang ilan pa sa mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta sa UniTeam ay sina Toni Gonzaga, Karla Estrada, Andrew E, Dulce, Randy Santiago, at iba pa.