PANGASINAN - Naalerto ang provincial government ng Pangasinan sa napaulat na kaso ng NewcastleDisease sa isa sa kanilang bayan kamakailan.
Dahil dito, sinabi niassistant provincial veterinarian Jovito Tabajerosna pinaigting na ng lalawigan ang paghihigpit kabilang ang pagharang sa mga nagbibiyahe ng mga itik, pugo, manok at iba pang kahalintulad nito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Paliwanag ng pamahalaang panlalawigan, nakapagtala sila ngmga kaso ng sakit sa ilang lugar sa Labrador kamakailan.
Nakipagpulong na rin ang mga opisyal ng lalawigan sa mga may-ari ng mga poultry farm para sa mga hakbang laban sa sakit.
Paliwanag naman ng Bureau of Animal and Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA), angNewcastle disease ay sanhi ng isang uri ng virus o peste na nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa mga manok, kalapati, pugo at iba pang uri ng ibon.
Maaari umano makuha ang mikrobyo ng peste sa dumi ng may sakit na manok.
Paliwanag pa ni Tabajeros, ang Newcastle disease aynakakaapektong malaki sa ekonomiya dahil kapag dinapuan ang manok ng naturang sakit, nasa 100porsyentoang mortality rate nito.
Paniniyak pa nito, hindi nakahahawasa tao ang sakit, katulad ng bird flu.