Tila hindi nag-aalala si Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio sa pag-amba umanong maghain ng reklamo ng Gabriela Women’s Partylist laban sa kaniya dahil sa nasabi niya tungkol kay Rep. Sarah Elago.
Matatandaan kasing inamin at ibinahagi mismo Topacio sa publiko noong Marso 5, 2026, ang minsan naging pagnanasa umano niya nang maamoy si Elago sa dinaluhan nilang isang pagdinig noong sa Department of Justice (DOJ).
“Ako dati, pinagnasahan ko rin si Sarah Elago, e. Naamoy ko noong hearing namin sa DOJ. Magalit na kayo kung magagalit kayo sa akin. I don’t care. Kasi talagang ako, suklam na suklam sa hypocrisy, kaplastikan. Kasi I always say what I mean and I mean what I say,” saad ni Topacio.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!
Ayon naman sa naging panayam ng media kay Topacio sa pagpunta niya sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Marso 12, 2026, sinabi niyang huwag na raw ianunsyo at gawin na lang ng Gabriela ang paghahain ng disbarment laban sa kaniya.
“‘Yan pong disbarment as the rule of Court, ‘yan po ay confidential. Kaya huwag silang announce nang announce at baka sila ang mademanda ko. Kung gagawin nila, gawin na nila,” pagsisimula niya.
Ani Topacio, tila wala umanong pakialam ang nasabing partido sa batas ngunit malaya raw itong gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.
“Of course ang Gabriela, wala namang pakialam sa batas ‘yan, e They can do what they want, I can do what I want. ‘Yan naman po ay demokrasya. Hayaan mo sila,” aniya.
Giit ni Topacio, wala umano siyang ginawa para ma-disbar siya bilang abogado.
“Pero para sa akin, wala akong ginagawa para ma-disbar pero if you differ from my opinion ay ganoon po talaga,” ‘ika niya.
Patutsada pa ni Topacio, sinisiil daw kasi lagi ng Gabriela ang mga katulad niyang nagbibigay ng opinyon tungkol sa kanila.
“Ang problema sa Gabriela, kapag sila ang nagbibigay ng opinyon, lagi nilang ini-invoke ang free expression. Kapag ibang tao at hindi nila nagugustuhan, sinisiil nila,” buwelta niya.
“Akalain mo, sumulat sa programa namin, patigilin daw kami sa pagbabatikos ng Gabriela ay hindi ba sila ay partylist? Hindi ba may public official sila sa House, ba’t patitigil kami? Ganiyan ang Gabriela, e. Style mo bulok ang mga ‘yan, e,” pagtatapos pa niya.
Samantala, lumabas sa mga ulat nito ring Huwebes na nagsampa na ng reklamo si Elago sa Integrated Bar of the Philippines (BIP) laban kay Topacio.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Sarah Elago, 'di raw palalampasin pambabastos ni Atty. Topacio!