Mahigit sa limang milyon ang nakinabang sa 'Libreng-Sakay' program ng Quezon City sa gitna ng pandemya ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Sa pahayag ng QC government nitong Biyernes, nasa 5.3 milyong pasahero ang tumangkilik sa bus augmentation program ng lungsod na sinimulan noong Disyembre 7, 2020.

Paliwanag ng lokal na pamahalaang lungsod, inialoknila ang programa upang mabigyan ang mga pasahero ng mapagkatiwalian, epektibo at ligtas na biyahe dahil na rin sa pandemya at limitadong masasakyan.

Nanawagan pa rin ang city government na samantalahin ang programa, lalo pa't patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na bunsod ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ilang netizens naman ang nagpahayag ng pasasalamat dahil nakatutulongsa kanila ang programa.

“Thank youpo.Nakasakay ako multiple times. Malaking tulong kapag walang mga busduring lockdowns,” banggit ni Brian James Ignacio sa kanyang social media post.

Nakasakay kami diyan hanggangcircle," pahayag naman niCharisma Barsaga Valenzuelasa kanyang Facebook post.

PNA