Hindi pa umano ikinukonsidera bilang ‘new normal’ ang Covid-19 Alert Level 1 sa Pilipinas.

Ito ang paglilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje nitong Sabado nang dumalo sa idinaos na Laging Handa briefing.

“Sa pananaw ng ating mga eksperto, ang Alert Level 1 ay hindi pa 'yung new normal. Papunta pa lang sa normal 'yan, it should be Alert Level 0,” ayon pa kay Cabotaje.

Ipinaliwanag ni Cabotaje na marami pang sukatan na dapat na ikonsidera bago ipatupad ang Alert Level 0, kabilang dito ang vaccination rates, partikular na sa mga senior citizens na madalas na nao-ospital at mas malubha kung dapuan ng sakit.

National

DOJ, nagbabala vs pekeng socmed account ng Office of Cybercrime

“Kaya kailangan increase pa natin ang bakunahan ng ating senior citizens. So we would like to push for increasing the vaccination rates and vaccination of our senior citizens,” aniya pa.

Ang Metro Manila at 38 lugar pa sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim na ng Alert Level 1 hanggang sa Marso 15.