Nanguna rin ang running mate ni Bongbong Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Manila Bulletin-Tangere survey para sa pagka-bise presidente nitong Marso 2022.

Nakakuha siya ng 56.63% ng voter preference. 

Pumangalawa si Senate President Vicente "Tito" Sotto III na may 16.08% habang pangatlo naman si Doc Willie Ong na may 14.17%.

Nasa pang-apat na puwesto naman si Senador Francis "Kiko" Pangilinan na may 9.79%, habang panglima naman si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 1.25%.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang iba pang mga kandidato ay nakakuha ng mas mababa sa 1% ng voter preference.

Samantala, 1.38% naman ang hindi sumagot.

Ang Manila Bulletin-Tangere survey ay may margin of error na +/-1.94 porsyento na may confidence level na 95%.

Nasa kabuuang 2,400 Pilipino na nasa hustong gulang (12% sa Metro Manila, 20% sa Visayas, 23% sa Mindanao, 23% sa Northern at Central Luzon, 22% sa Southern Luzon at Bicol Region) ang lumahok sa survey gamit ang Tangere mobile app.

Ellalyn De Vera-Ruiz