Inilabas na ang listahan ng mga performers sa idaraos na PPOP Convention na magaganap sa darating na April (Abril) 9-10 sa New Frontier Theater para sa convention, at Smart Araneta Coliseum naman para sa concert. Ilan sa mga magpe-perform sa nasabing two-day event ay ang SB19, BGYO, BINI, MNL48 at marami pang iba.

Ang two-day event na ito ay isa sa mga pinakamalaki at kauna-unahang live music event na magaganap sa kasaysayan ng OPM.

Screengrab mula sa Twitter/ @jayarmariano

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa patuloy na pag-usbong ng makabagong musika sa bansa, madalas nang makilala ang musikang Pinoy ng mga parokyano maging sa labas ng bansa. Isa itong 'big break' para sa mga PPOP group na nagsisimula pa lamang at gumagawa pa lamang ng kanilang pangalan sa industriya ng musika.

Larawan mula sa Facebook/4th impact

"PPOP is quickly gaining international attention and many fans are recognizing the talent and passion of many PPOP acts. Through PPOPCON, we are celebrating the growing PPOP community through the first event of its kind right here at the city of firsts," ani Andhie Salutin, Project Head ng PPOPCON.

Photo from journal news online

Samantala, patuloy naman ang hype ng PPOPCON habang papalapit ito. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa event, maaaring makiantabay sa kanilang facebook pagehttps://www.facebook.com/PPOPCONVENTION/upang maging updated.