Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Romando Artes bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) epektibo nitong Marso 1, kapalit ng nagbitiw sa puwesto na si Benhur Abalos, Jr. noong Pebrero 7. 

"It is an honor to be appointed as the MMDA chairman. The agency has been my home for the past five years--from the term of the late Chairman Danilo Lim and later under Chairman Abalos," sabi ni Artes.

"I will continue to work for the completion of the projects and programs needed and pursuant to our mandates - traffic, solid waste and flood management, urban renewal, public safety, among others and the equally important COVID-19 vaccination as we transition to the new normal,"dugtong nito.

Si Artes na isang Certified Public Accountant (CPA) ay unang nagsilbi bilang Assistant General Manager for Finance and Administration ng MMDA noong Mayo 2017 hanggang sa naging general manager ng ahensya noong Nobyembre 2021.   

Bago mapunta sa MMDA, nagtrabaho muna si Artes bilang accountant at abogado sa Biñan City at Consultant naman sa Sta. Rosa City sa Laguna. Nagtrabaho rin siya sa legislative branch of government bilang Political and Legislative Officer sa Senado at consultant sa House of Representatives.