Nanguna si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa isinagawang senatorial survey ng OCTA Research noong Pebrero 12-17, 2022.

Photo courtesy: OCTA Research Dr. Guido David/Twitter

Makikita sa Tugon ng Masa survey results na inilabas nitong Linggo, Pebrero 27, nanguna si Legarda na may 66% preference votes at sinundan ni "Idol" Raffy Tulfo na 63%.

Halos magkakalapit din ang nakuhang porsyento nina Alan Peter Cayetano, 61; Migz Zubiri, 60; Chiz Escudero, 59; at Mark Villar, 56%.

Pasok din sa Top 12 sina Robin Padilla, 43%; Win Gatchalian at Jojo Binay, 39%; Risa Hontiveros, 38; Jinggoy Estrada, 37; at JV Ejercito, 35%.

Kung sa Top 15 naman, pasok pa rin sina Joel Villanueva, 33%; Herbert Bautista, 31% at Gringo Honasan, 29%.

Ang mga preference votes ay mula sa 1,200 respondents at 97.5% sa kanila ay mga registered voters. 

Samantala, narito naman ang nakuhang porsyento ng iba pang senatorial candidates:

Photo courtesy: OCTA Research Dr. Guido David/Twitter

Kaugnay na mga Balita:

https://balita.net.ph/2022/02/28/bongbong-marcos-muling-namayagpag-sa-presidential-survey/

https://balita.net.ph/2022/02/28/sara-duterte-namayagpag-sa-octa-research-vice-presidential-survey/