Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran nitong Martes, Pebrero 22, na nagbitiw na siya sa kanyang puwesto dahil sa personal na kadahilanan.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Libiran na isinumite niya ang kanyang resignasyon sa DOTr noon pang Pebrero 4 at magiging epektibo ito sa Pebrero 28.

“Since last week, I started receiving questions confirming whether or not I have resigned from the Department of Transportation (DOTr). Today, I confirm it. Yes, I have crossed my rubicon,” bahagi pa ng Facebook post ni Libiran.

Ibinahagi ni Libiran na naging mahirap ang pinagdaanan nila nitong nakalipas na tatlong buwan matapos na tamaan ng COVID-19 ang kanyang pamilya at mabiktima pa ng pagnanakaw.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/10/na-marcos-nanakawan-story-ni-asec-libiran-pinutakte-ng-marcos-apologist-sentiments/

“These things happening all in a month’s time were just way too much, even for someone as resilient and as resolute as I would like to be,” aniya.

Paglilinaw naman ni Libiran, “I am leaving not because I will join any campaign, or because I no longer love my job. I am leaving because I have decided to once and for all, prioritize my family, and become a MOTHER to my only child, who was barely a year old when I joined DOTr.”

Inalala rin naman ng opisyal ang mga pagsubok na pinagdaanan niya bilang public servant, partikular na nitong panahon ng pandemya.

Nagpasalamat rin si Libiran kina Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbibigay ng inspirasyon sa kanila na mahusay na makapaglingkod sa mga mamamayan, gayundin kay Transportation Secretary Arthur Tugade dahil sa pagsusumikap na maisulong ang bawat proyekto ng DOTr upang mapahusay pa ang public transportation system sa ilalim ng administrasyong Duterte. 

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/01/13/kasambahay-ni-asec-libiran-timbog-mga-alahas-ipinamigay-raw-dahil-peke/