Nagpasabi na agad ang anak nina vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan o 'Kakie' na medyo nakakaapekto sa kaniyang mental health ang kampanya ng kaniyang ama, kaya idinaraan na lamang niya sa biro ang mga tweets niya, upang makagaan-gaan naman sa kaniyang kalooban.
Ang latest nga ay nang tawagin niyang 'Putongama ko' ang kaniyang tatay na si Senador Kiko nitong Pebrero 20. Niretweet niya kasi ang tweet ng ama na nagpapasalamat sa ibinigay sa kaniyang isang bilaong pink at green puto Calasiao ng mga Kakampink volunteers.
"Maraming salamat sa Calasiao Youth for Leni-Kiko sa kilalang-kilala na puto Calasiao na kulay pink at green! Naimas! Balbaleg ya salamat!," ayon sa tweet ng senador.
Nagbiro pa ito, "Ito ang tunay na 'puto bomber'?."
Paliwanag naman ni Kakie sa mga 'bothered' sa kaniyang tweets, "If your bothered by my humor, please just ignore me! Campaigning is extremely painful and I wish I could explain the kind of toll it takes on mental health… coping mechanism ko lang ‘to char."
"Honestly if you are bothered by anything I tweet, just scroll on please because tweet really is just my depression dump."
"And I understand it’s not for everyone das cool please just remember it’s also not an accurate representation of my whole self ? ty for being here I love you deeply and I hope you're having a great Sunday."