Tila natuto na sa kaniyang nakaraan ang social media personality na si Meiko Montefalco na niloko ng mister niyang si Patrick Bernardino noon.
Sa latest episode ng “Toni Talks” kamakailan, sinabi niyang nagtakda na umano siya ng mga boundary ngayon para sa sarili.
"May mga boundaries na ako ngayon, like for example, ayaw ko na sa broke. So 'wag n'yo kong lalapitan kung wala kayong pera. Utang na loob,” saad ni Meiko.
Dagdag pa niya, “Ang pangit man po niyang pakinggan, Miss Toni [Gonzaga]. Pero no. Pagod na akong mag-drive ng relationship ngayon. Gusto ko nang mag-Disney Princess. “
Matatandaang pinagpiyestahan sa social media ang isyu ng mag-asawa noong Mayo 2025 matapos isiwalat ni Meiko ang ginawang panloloko sa kaniya ni Patrick.
Maki-Balita: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!
"I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything," saad ni Meiko.
Pero sa kasalukuyan, tila may bagong lalaki na ulit na nauugnay kay Meiko. Pagpasok ng 2026, nagkalat sa iba't ibang social media platforms ang tungkol litrato nilang dalawa, na urot ng mga netizen ay tila "upgrade" malala.
Isang netizen pa nga ang nagsabing "mula raw sa Nokia 3210, nag-upgrade si Meiko sa "iPhone 17 Pro Max."
Maging ang sikat na social media personality na si "Senyora," binati rin si Meiko.
Maki-Balita: Upgrade malala! Pa-hard launch ni Meiko Montefalco sa umano'y bagong jowa, usap-usapan