Napahinga muna sa pangangampanya si Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Peb. 20 upang magpagaling at makasama ang pamilya na nakatakdang sumama sa kanya sa Iloilo ngayong linggo.
Nag-Facebook Live ang presidential aspirant at kapansin-pain ang pamamamaos ng boses nito dahil sa mga campaign sorties.
Natatawang sinabi rin ni Robredo na umitim siya sa pananatili sa labas dahil sa kampanya.
Ang Bise Presidente ay kasalukuyang nasa Maynila para sa ilang oras ng pamilya at para dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng kanyang pamangkin.
“Kasama po ang pamilya ko pagpunta sa Iloilo kasi ang iba sa kanila hindi pa nakapunta pati si Gaile, Natalia, at Alonzo,” ani Robredo sa kanyang manunuod.
Si Gaile, isang doktor, ay pamangkin ng yumaong dating Interior secretary na si Jesse Robredo. Tinawag nina Natalia at Alonzo, mga anak ni Gaile, ang Bise Presidente na "Lola Leni."
Ipinakita pa ni Robredo kay Natasha ang pagkanta ng “Paraiso” kasama si Jillian, ang kanyang bunsong anak.
Binati rin ni Alonzo ang mga netizens nang hilingin nitong iboto siya.
“So, excited sila lahat. Excited na mga bata,” ani Robredo.
Sisimulan ni Robredo ang Mindanao leg ng kanyang campaign sortie sa Martes, Peb. 22, sa Iligan City at Cagayan de Oro, na susundan ng kanyang pagbisita sa Bukidnon sa susunod na araw.
Siya ay nasa Cebu sa Huwebes, Peb. 24, at sa Iloilo sa Biyernes, Peb. 25, sa oras ng anibersaryo ng EDSA People Power.
“Alam naman ng lahat one of my favorite cities ever ‘yung Iloilo,” ani Robredo sa kilalang baluwarte ng Liberal Party.
Sa Sabado, Feb. 26, nasa Guimaras si Robredo at ang kanyang pamilya ngunit sinabi niyang hindi makakasama ang kanyang running mate na si Sen Kiko Pangilinan dahil sa vice-presidential debate sa CNN na naka-schedule sa parehong araw.
Nakatakdang dumalo si Robredo sa presidential debate ng network sa Linggo, Peb. 27.
Raymund Antonio