Hindi napanghinaan ng loob ang isang call center agent matapos makipag-agawan ng baril sa kapitbahay na nagtangka sa kanyang buhay sa Malabon City, kaninang madaling araw, Pebrero 20.

Kinilala ang biktimana si Luisito Fidel Jr., 28, residente ng Barangay Tonsuya, Malabon City.

Nahaharap naman sa mga kasong frustrated homicide at Violation of R.A. 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines ang nasakoteng suspek na si Nieva Domingo Jr., 39,binata, walang hanapbuhay.

Ayon sa police report, bandang ala-1:30 ng madaling araw,naglalakad sa Phase 3 Letre, Gozon Compound, Barangay Tonsuya, Malabon City ang biktima, papauwi ng kanilang bahay galing sa trabaho.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinalubong siya ni Domingo na may hawak na Colt automatic cal. 45 at tinutukan siya ng baril.

Pinilit agawin ni Fidel ang baril na hawak ng suspek.

Sa pag-aagawan, parehong natumba ang dalawa at patuloy pa rin sa pag-aagawan ng baril. Pumutok ito ngunit wala namang nasugatan.

Dahil sa putok ng baril, nagising ang kanilang mga kapitbahay kung saan naawat ang dalawa.

Nagtungo si Fidel sa Sub-Station 5 (SS5) na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Orly L. Barcala