Mahigit na sa 7,000 na dayuhang turista ang dumating sa bansa mula nang buksan ng gobyerno ang mga borders nito kamakailan.

Paliwanag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, malaking bagay ang pagdagsa ng mga turista sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

“We’ve already had about 7,051 tourist arrivals but of course, 45 percent are balikbayans but balikbayans are considered tourists because they have foreign passports,” pahayag ni Puyat sa isang television interview nitong Pebrero 14.

Sa patakaran ng Pilipinas, pinapayagang makapasok sa bansa ang mga biyahero mula sa 157 basta bakunado ang mga ito.

Naiulat na karamihan sa turistang dumating sa bansa sa nakalipas na tatlong araw ay mula sa United States,Canada, Australia at United Kingdom.