Hindi nakaligtas sa mga miyembro ng 'basag-kotse' gang ang aktor na si Gerald Anderson matapos pagnakawan ang kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Quezon City kamakailan.

Sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), ang insidente ay nangyari sa Roces Avenue sa nabanggit na lungsod.

Sa footage ng closed-circuit television camera, kitang-kitang ang pagdating ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo malapit sa sasakyan ng aktor na nakaparada sa harap ng isang establisimyento sa naturang lugar.

Kaagad na bumaba ang umangkas at binasag ang bintana ng itim na SUV at tinangay ang isang bag.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Paalis na sana ang dalawa, gayunman, bumalik pa ang suspek at kinuha pa ang isang bag sa driver's seat.

Kaagad na tumakas ang dalawa na sinusundan ng isa ring lalaking lulan ng motorsiklo.

Gayunman, natunton ang isa sa suspek matapos magsagawa ng follow up investigation at operations ang mga tauhan ng

NBI-Special Action Unit (SAU). Nakilala ang sumukong suspek na siJohn Allen Dancel, alyas "Elong," ayon ay NBI-SAU executive officer Kristine Dela Cruz.

Sa isang television interview, ipinaliwanag ng opisyal na ang mga motorsiklo na ginamit ay natunton nila sa Tondo kung saan naka-base ang grupo ng mga suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang isang bag, dalawang relo at mga gadget ng aktor. Gayunman, hHindi pa rin narerekoberng mga awtoridad ang pitaka, mga identification (D) card at passport nito.

Natuklasan pa ng NBI na may mga previous cases na ang grupo.

Nasa kustodiya na ng NBI si Dancel at nahaharap sa kaukulang kaso.