Nagbabala nitong Huwebes, Pebrero 10, ang isang election watchdog group laban iba't ibang uri ng panlilinlang sa eleksyon kasunod na rin ng pagsisimula ng campaign period para sa mga national candidates.
Paliwanag ng Kontra Daya, dapat na mabantayan ng taumbayan ang anumang pang-aabuso at hindi tamang paggamit sa mga government resources.
Kasama rin sa pinatutukan ang posibilidad na disinformation campaign, vote-buying at red-tagging na ilulunsad ng mga kandidatong nais manlamang sa darating na halalan sa Mayo 9.
“Please take utmost care in taking pictures and video footage of anything out of the ordinary and send them to us.Please include the date, time and place where the picture or video was taken, as well as a short explanation of what happened. We shall compile your information in our ongoing research and bring this to the attention of the authorities,” ayon sa grupo.
“Please coordinate with Kontra Daya through our website (kontradaya.org), Facebook page (kontra.daya), Twitter account (@kontradaya) and email address ([email protected]),” panawagan pa ng grupo.
Nitong Martes, umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na isumbong sa kanila ang mga maling gawain sa panahon ng kampanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa email na[email protected], gayundin #SumbongKo via Twitter.