Ikinagulat ng lahat ang pag-anunsyo ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na bumibitiw na siya sa kaniyang trabaho bilang main host ng kasalukuyang umeereng reality show na 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' sa ABS-CBN, kasunod ng 'pag-cancel' sa kaniya ng mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawa niyang pag-host sa UniTeam proclamation rally sa Philippine Arena, nitong Pebrero 8, 2022.
Ngunit bago pa man ang personal na pagbabahagi nito sa kaniyang Instagram post, nauna nang lumabas ang bali-balitang ito sa tweet ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/
Ilang minuto lamang ay binasag na ni Toni ang kaniyang katahimikan sa pamamagitan ng isang art card.
"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years," saad ng TV host-actress.
"From witnessing all my co-hosts' transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!"
"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything."
"This is your angel, now signing off…"
Bukod sa kaniyang mensahe, kalakip din nito ang kaniyang litrato habang nasa entablado ng PBB.
Kaagad namang nagkomento rito ang dati niyang co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla, ang misis ni senatorial aspirant Robin Padilla. Sinambit niya ang sikat na linyang 'Welcome to the outside world' na sinasabi ng mga host sa mga na-eevict na PBB housemates tuwing Eviction Night.
"I love you Toni. You are a friend and a sister FOREVER. Welcome to the outside world, Toni."
Pati ang magsisilbing main host at pinagbilinan ni Toni na si Bianca Gonzalez ay nag-iwan din ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniya. Si Bianca ay isang Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.
"Nobody can ever take your place and do it like you, @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both."
Tumugon din kaagad dito si Mariel, "@iamsuperbianca, friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! We believe in you!"
Sina Toni, Bianca, at Mariel ang tinaguriang 'Kuya's Angels'.
Samantala, nagpahatid din ng mensahe ang mismong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.
"You’re a queen forever! Nobody does it like you do sissszzz," wika ni Alex.
Nagkomento naman ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano ng emoji na ❤️✌?.
Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang PBB management sa desisyon ni Toni.