Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes, Pebrero 4 sisimulan ng DPWH ang pagsasaayos ngEDSA Quezon City Aurora Boulevard hanggang New York St. (3rdlane buhat sa sidewalk); atEDSA Caloocan Southbound bago Benin St. (4thlane magmula sa sidewalk).

Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Pebrero 7 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa ibang lanes o sa mga alternatibong ruta.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bella Gamotea