Nag-iisa lamang ang tumama sa halos ₱50 milyong jackpot sa isinagawang 6/58 lotto draw nitong Linggo, Enero 30.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 22-02-14-30-10-35 na may katumbas na premyong aabot sa ₱49,500,000.00.

Gayunman, hindi pa rin inihahayag ng PCSO kung taga-saan ang nanalong mananaya at kung saan nito nabili ang winning ticket.

National

LPA sa loob ng PAR, nabuo na bilang bagyong 'Igme'; Batanes, itinaas sa Signal No. 1