Magpapatupad ang Makati City Public Safety Department ng pagsasara ng mga kalsada at traffic rerouting sa Pebrero 4 at 6 upang bigyang-daan ang Bar examinations.

Sa abiso ng city government, isasara sa trapiko ang J.P. Rizal St., Extension magmula sa Buting hanggang Lawton Ave. simula 4:00 ng madaling araw hanggang 8:00 ng umaga at 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa nasabing petsa.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ang mga sasakyang manggagaling sa Buting/Pateros ay maaaring dumaan sa Kalayaan Avenue hanggang Guadalupe-EDSA o sa Lawton Avenue hanggang JP Rizal-EDSA; at puwede rin dumaan ang mga motoristang manggagaling ng Guadalupe-EDSA sa Lawton-Kalayaan Avenue hanggang Buting. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bella Gamotea