Si Senador Joel Villanueva ang ika-10 senador na natamaan ng COVID-19 nang magsimula ang pandemya sa bansa noong 2020.

Sa kanyang Viber account, sinabi ni Villanueva na siya ay nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanyang RT-PCR test noong Huwebes matapos magkaroon ng lagnat at makaramdam ng pananakit ng ulo. 

Hiling ni Villanueva na ipaalam sa mga kanyang mga nakaclose contact ang kanyang kalagayan. Kasalukuyang naka-isolate ang senador ngayon.

‘’Dahil bakunado at boosted po tayo, at sa tulong ng panalangin sa Diyos, malaki po ang tiwala ko na malalampasan natin itong balakid na magpatuloy ang trabaho natin sa Senado," aniya.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Simula nang magkapandemya, siyam na senador ang tinamaan ng virus.

Kabilang sa mga ito ay sina  Senate Majority Leader Juan Miguel F. Zubiri and Senators Juan Edgardo ‘’Sonny’’ M. Angara, Manuel ‘’Lito’’ Lapid, Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, Aquilino Pimentel III, Ramon Revilla Jr., Sherwin T. Gatchalian, Panfilo M. Lacson at Richard J. Gordon.

Mario Casayuran