Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 618 na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Dahil dito, umaabot na ngayon sa 1,153 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong Omicron cases sa bansa.
Sa naturang karagdagang kaso, 497 ang local cases at 121 ang returning Overseas Filipinos (ROFs).
Sa local cases naman, 238 ay nagmumula sa National Capital Region, 71 sa Calabarzon, tig-30 sa Ilocos Region at Western Visayas, 27 sa Central Luzon, 20 sa Central Visayas, at 19 sa Cagayan Valley.
Mayroon ding 13 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 10 sa Davao Region, anim sa SOCCSKSARGEN, dalawa sa Bicol Region, at tig-isa sa Mimaropa at Northern Mindanao.
Anang DOH, ang 13 kaso sa mga naturang pasyente ay aktibo pa habang mayroon ding kabuuang limang pasyente na ng Omicron ang namatay na dahil sa sakit.
Kinumpirma rin naman ng DOH na bukod sa orihinal na Omicron lineage, may natukoy din silang ‘Stealth Omicron’, na sub-lineages nito o BA.1 at BA.2.
“Both the original Omicron lineage, B.1.1.529, and its sub-lineages, BA.1 and BA.2, have been detected in the country. The earliest detection of the BA.2 sub-lineage was on December 31, 2021 and was found to be the majority of Omicron cases in the latest batch. Data gathered by the DOH, UP-PGC, and UP-NIH showed that there is no significant difference in BA.1 and BA.2 characteristics in terms of transmissibility or severity of disease. The DOH shall continue to investigate why BA.2 has become more prevalent than BA.1 but so far the detection of BA.2 does not entail any significant change in the COVID-19 response,” anang DOH.
Sinabi ng DOH na ang naturang mga bagong kaso ng Omicron ay 91.29% ng 677 samples na isinailalim nila sa whole genome sequencing kamakailan.
Bukod naman sa Omicron cases, may natukoy rin na karagdagang 35 Delta cases ang DOH na5.17% ng mga sequenced samples.
Mary Ann Santiago