Isinusulong niPresidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na maibalik o maipatupad muli ang tatlong araw na quarantine protocol para sa mga bakunadong indibidwal na pumapasok sa bansa.
Dati na aniyangipinatupad ang naturang hakbang noong nakaraang taon para sa mga dumarating na biyahero, gayunman, itinigil ito dahil na rin sa banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We should revert back to the three-day quarantine for the fully vaccinated, which was approved and implemented prior to Omicron,” banggit ni Concepcion nitong Miyerkules, Enero 26.
Bukod sa negatibongtest results ngreverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) 48 oras bago ang kanilang paglipad, kailangan din ang limang araw nafacility-based quarantine para sa mga international arrivals.
Isasailalim din ang mga biyahero samandatory RT-PCR testing sa ikalimang araw kung saan idedetermina sa resulta kung magpapatuloy ang mga ito safacility-based quarantine o papayagan silang sa bahay na lamang upang masubaybayan ang kanilang sintomas sa COVID-19.
Imingkahi rin nito na i-exempt sa protocol ang mga pasahero nagka-COVID-19 sa nakalipas na 60 araw basta maghaharap lamang ang mga ito ngRT-PCR test result.
“We all know remnants of the virus can still linger on creating false positives,” dagdag pa nito.