Para sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), “unnecessary” ang panukala ng vice-presidential aspirant na si Sara Duterte-Carpio na gawing mandatoryo ang serbisyo militar para sa lahat ng kabataang Pilipino.

Sa isang pahayag, binatikos ng NUSP ang panukala ni Duterte at sinabing ito ay “delusional, unnecessary, fascistic, and devoid of grasping the reality experienced by the Filipino people” sa gitna ng “mapanghamong panahon”

“Inaccessible education, economic inequality, and widespread injustices are only some of the most prominent problems our country is facing,” NUSP stressed.

“A candidate aiming to impose forced military service when they become a leader is a clear sign of what the future may bring: another person in power adamant on ignoring the country’s struggles,” giit ng grupo habang ipinunto na ang mandatory sa ilalim ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) maaari lang mapasama sa halip na magdulot ito ng maayos na resulta.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinimok ng NUSP ang mga pinuno ng bansa na sa halip ay itulak na magtanim ng isang nasyonalistiko, siyentipiko, at pinakanakatuon sa edukasyon sa kondisyong “they genuinely care about the youth’s social participation and national consciousness.” kabataan."

“The youth must be empowered to have the choice on how they see fir to serve the people of their country, they should be educated with civic consciousness rather than blind obedience, and peacebuilding rather than violence,” pagtatapos nito.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na kapag siya ay nanalo, isusulong niyang gawing mandatoryo ang serbisyo militar para sa lahat ng Pilipino sa pagtungtong ng 18 taong gulang.

Ang ROTC ay isang programa sa kolehiyo na idinisenyo upang sanayin ang mga sibilyan sa mga basic military services upang makabuo ng mga may kakayahang reservist ng Armed Forces of the Philippines.

Gabriela Baron