Bumaba na sa 1.2 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) reproduction number sa Metro Manila at ito ay nangangahulugang "very high risk" pa rin ang rehiyon.

Dahil dito, inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo, Enero 23, na kinakailangan pa ring ipairal ng publiko ang mahigpit na pag-iingat at pagpapairal ng health protocol laban sa sakit.

Ang nasabing reproduction number ay naitala nitong Enero 19 mula sa dating 2.95 isang linggo na ang nakararaan.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng taong maaaring mahawaan ng sakit ng isang COVID-19 positive.

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Bumabagal aniya ng hawaan kapag mababa sa isa ang reproduction number ng sakit.

Bumagsak din aniya sa -42% ang one-week growth rate nito sa National Capital Region (NCR) na naglalarawan bilang "clear downward trajectory" sa mga bagong kaso ng COVID-19.

"NCR reproduction number down to 1.20. New cases are tracking below Jan 20 projections. NCR remains at very high risk. Residents are advised to practice caution and observe health protocols," ayon sa Twitter post ni David.

Bumaba rin aniya sa 72 ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR na nagpapahiwatig ng "very high level."

Nitong Sabado, Enero 22, naitala ng Pilipinas ang 30,5532 na bagong kaso ng sakit kaya umabot na sa 3,387,524 ang kabuuang kaso ng nahawaan sa bansa.