Matapos talunin si Gary Russell, Jr, ang Amerikanong may hawak ng WBC featherweight title mula 2015 hanggang 2022, kaagad na umugong ang espekulasyon na magkakaroon ng rematch ang dalawang boksingero.
"It’s up to sir Sean Gibbons (MP Promotions president) and my promotions. It’s up to them,” ayonkayMagsayo na nananatili pa ring walang talo sa 24 niyang laban, tampok ang 16 na knockouts.
“But I’m willing to fight anybody now. I’m a champion now,” pagmamalaki ng Pinoy sa panayam ng mga mamamahaygilang minuto matapos gapiinsi Russell sa kanilang laban saBorgata Hotel Casino & Spa, Atlantic City sa New Jersey nitong Sabado, Enero 22 (Linggo sa Manila).
Gayunman, ipinaliwanag ng beteranong manunulat sa larangan ng boksing na si Dan Rafael, masyado pang maaga upang pag-usapan ito at sinabing ang isang mandatory fight ay walang ibinibigay na "rematch clause" para kay Russell.
Nakadepende pa rin aniya ang laban sa kani-kanilang promotions at sa WBC.
Bago nahablot ni Magsayo ang panalo, pinahirapan muna ito ng Russell.
Nang tumuntong sa ikaapat na round, napangiwi na si Russell nang tangkain nitong magpakawala ng malakas na suntok matapos na mapunit ang litid sa kanang balikat.
Dahil dito, isang kamay na lamang ang ginamit ni Russell na sinamantala naman ni Magsayo kaya nito naiuwi ang titulo.
Nang matapos ang laban, tinanong din si Russell sa posibleng rematch na agad namang umayon.
“Will he (Magsayo) want a rematch? That’s the question. I’d rematch him,” sabi niRussell na nakatikim ng ikalawang talo, 31 panalo at 18 KOs.