Lagpas na sa 57 milyong Pinoy ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 chief Carlito Galvez at pinagbatayan ang datos na inilabas ng National COVID-19 vaccination dashboard.

Binanggit na aabot na sa 59,716,484 na indibidwal ang nakatanggap na ng 1st dose habang 6,077,315 naman ang nakatanggap na ng booster o karagdagang turok.

Kamakailan, inilunsad ng gobyerno ang programang "Resbakunasa Botika" sa tulong ng mga pribadongpharmaceutical stores at clinics upang mahikayat ang mga bakunado na magpa-booster shots.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Malaki rin aniya ang naiambag ng "self-management at social responsibility" sa pagtugon sa nararanasang global health crisis.

"Basically, it is not sustainable that only the national government will take care of everything. I believe the private sector, the LGUs (local government units), and also the different parts of our society want to have responsibility. And that's the way forward to our Covid-19 pandemic response," sabi pa ni Galvez nang dumalo sa isang booster vaccination event sa Makati City nitong Biyernes.