Itinanggi ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules ang alegasyong inaantala nila ang pagpapalabas ng ruling sa disqualification cases na kinakaharap ni presidential candidateFerdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang paboran umano ang isang partido.

“So it is not correct to say that we are delaying in order to favor one party,” pagdedepensa ni 1st Division Presiding Commissioner Rowena Guanzon sa isang Facebook live video.

Idinahilan din nito, may iba't ibang dahilan ang mga kasong iniharap laban sa senador at nakabinbin pa sa 1st at 2nd Division ng Comelec.

“The case that was filed in the second division, the only issue is whether Marcos Jr. made a false statement or false material representation. The case we are handling, those are disqualification cases, the cancellation of the certificate of candidacy has different grounds, they have different disqualification grounds according to the law,” aniya.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Paglilinaw nito na kung sakaling ma-disqualify si Marcos, maaari naman itong magkaroon ng kahalili.

“He can be substituted as long as the substitute belongs to the same party and has the same last name. They do not have to be related as long as they have the same last name and the same political party. The cancellation of COC, no substitution, in disqualification there is substitution before noon of May 9, 2022 provided that they belong to the same political party and surname,” pagdidiin ni Guanzon.

Gayunman, maiaapela pa rin aniyasa Comelec en banc ang mga ilalabas na desisyon ng mga dibisyon kaugnay ng kaso.

Nauna nang inihayag ni Guanzon na ilalabas na sa kalagitnaan ng Enero ang desisyon sa disqualification cases na iniharap ng grupo ni Bonifacio Ilagan, Akbayan party, at ni AbubakarMangelen.

Nilinaw naman niComelec Education and Information Department director Elaiza David nitong Lunes, hindi pa umano handa ang draft ng desisyon dahil nahawaan ng COVID-19 ang tauhan ng mga commissioners na may hawak ng kaso.

Nitong Enero 17, ibinasura ng 2nd Division ng Comelec ang petisyong isinampa niFr. Christian Buenafe at ng iba pang kasamahan nito, na nananawagan na ikansela ang certificate of candidacy ni Marcos dahil sa kawalan ng merito.

PNA