Aprubado na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng 60,000 metriko toneladang isda para sa unang tatlong buwan ng 2022 upang matugunan ang kakulangan ng suplay nito sa bansa dulot ng bagyong 'Odette' noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni DA Secretary William Dar, ang pagbili sa ibang bansa ng maliliit na isda ay saklaw ng certificate of Necessity to Import (CNI) na pinayagan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
“We are working on the DA-BFAR’s projection of a 119k-MT ( metric tons) fish supply deficiency this quarter. We are bolstering the aquaculture sector to close gaps in fish production and sustainably improve our catch,” pahayag ni Dar sa isang panayam nitong Enero 18.
Sa damage assessment na inilabas ng DA, malaki ang nalugi sa sektor ng pangingisda sa pagtama ng bagyo sa Visayas at Mindanao noong Disyembre 12, 2021 kaya gumagawa pa rin ng paraan ang gobyerno upang matulungan ang mga mangingisdang naapketuhan nito.
Faith Argosino