Nakikitaan na ng pagbaba ang mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, binanggit na ang seven-day average ng new COVID-19 cases sa Maynila ay bumaba ng 23%.

Aniya, nagpapakita ito ng “clear downward trend” sa capital city.

Sinabi pa ni David na maging ang reproduction number o bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19, sa lungsod ay bumaba rin ng mula 1.73 mula Enero 17, sa 1.5 noong Enero 18.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

“The 7-day average of new cases decreased in one week by 23% from 2,152 to 1,658. The reproduction number in Manila decreased to 1.50,” tweet ni David.

“The downward trend in Manila is now clear,” aniya pa.

Bukod naman aniya sa Maynila, nakikitaan na rin ang San Juan at Malabon ng negative one-week growth rates.

Pinayuhan rin niya ang mga residente ng Metro Manila na upang mapanatili ang naturang trend ay manatili silang vigilante at tumalima sa umiiral na health at safety protocols.

“Apart from Manila, San Juan and Malabon also had negative one week growth rates. NCR (National Capital Region) residents must continue to remain vigilant in following public health guidelines to sustain the trends,” aniya pa.

Nitong Martes, Enero 18, 2022, ang lungsod ay nakapagtala ng 974 bagong COVID-19 cases base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon, aabot na sa 3,094 na aktibong kaso ang naitala sa Maynila.

Mary Ann Santiago