Mas marami pa umanong grade levels ang papayagang lumahok sa pagdaraos ng expanded face-to-face classes sa bansa sa Pebrero, sa gitna pa rin ng patuloy na banta ng pandemya ng COVID-19.

Inihayag ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sa pilot run ay tanging mga estudyante mula sa Kindergarten hanggang Grade 3, at Senior High School ang pinayagang lumahok ngunit sa pagpapalawak pa nito ay bubuksan na rin ito sa mas marami pang grade levels.

“Ibubukas na ito sa more grade levels,” ani Malaluan sa isang panayam.

Matatandaang inirekomenda ng DepEd kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak pa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2 sa unang linggo ng Pebrero.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Nitong Martes, Enero 18, sinabi naman ng Malacañang na suportado ni Duterte ang naturang plano ng DepEd.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, labis namang ipinagpasalamat ng DepEd ang suporta ng pangulo, gayundin ang tiwala nito sa expansion ng limited face-to-face classes.

Iniulat rin ng DepEd na nang isagawa ang pilot face-to-face classes mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20, 2021, nasa 287 public at private schools ang lumahok dito.

“There was no recorded confirmed COVID-19 case among the 15,683 learners who participated in the pilot implementation of limited face-to-face classes,” dagdag pa nito.

Mary Ann Santiago