Maraming nagtatanong ngayon kung 'Kakampink' din ba ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na si Heart Evangelista.
Sa kaniyang Instagram at TikTok accounts, ibinida ni Heart ang kaniyang mga OOTD na nagpapakita ng kulay-pink. Ang pink ang dala-dalang political color ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.
"On Wednesdays, we wear pink," caption ni Heart sa kaniyang Ig post. Tuwing Miyerkules, nagsusuot ng damit o nagpapakita ng mga gamit na kulay-pink ang mga tagasuporta ni VP Leni at Senator Kiko.
Bumaha rin ng reaksyon at komento ang mga netizen.
"Kakampink Wednesday!"
"I love it! Pink Wednesday. #LetLeniLead2022"
"Yay. Kakampink!"
"Yes! Kakampink!"
Matatandaang noong 2016, naging kalaban ni VP Leni ang kaniyang mister na si Chiz Escudero sa pagka-pangalawang pangulo, katandem ng noo'y presidential candidate na si Senator Grace Poe.
Sa isinagawang debate ng CNN Philippines hosted by Pia Hontiveros at Pinky Webb na ginanap sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa vice presidential candidates, ginisa ni VP Leni ang dating senador na si Chiz kung bakit ito kumontra sa pagpasa ng sin tax.
Samantala, wala namang kumpirmasyon dito si Heart.