Ikinalungkot ng fans ang anunsyo ng grupong Blacklist International na magpapahinga muna ang tandem na Ohmyv33nus at Wise para sa darating na MPL-PH Season 9.

"The year 2021 was historical for the duo. With Back-to-back MPL PH Championships, 1st runner-up finishes in both MPL Invitational and Mobile Legends Southeast Asia Cup, and a dominating performance taking home the M3 World Championship title for the black and white squad, the V33Wise tandem has nothing left to prove to our organization as they have exceeded all our expectations in their first year in Blacklist International," pahayag ng Blacklist International sa kanilang Facebook page.

Ang pag-skip sa darating na tournament ay upang makapaglaan pa ng mas maraming oras ang dalawa sa kanilang pamilya at tuparing ang kanilang personal na tunguhin.

Mananatili pa rin ang tandem sa ilalim ng Tier One Entertainement.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpapasalamat naman ang V33Wise sa kanilang pamilya, sa grupong Blacklist, at sa mga sumusuporta sa kanila lalo na noong nakaraang tournament.

Matatandaan na noong Disyembre 19, naiuwi ng grupong “Blacklist International” mula sa Pilipinas ang kampeonato sa nasabing tournament kontra sa kalaban nitong Onic Philippines na mula rin sa Pilipinas.