Mag-aalok ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng antigen test sa mga pasahero bilang bahagi ng kanilang paglaban sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang Facebook post nitong Lunes, Enero 10, sinabi ng MRT-3 na sisimulan ang free testing sa Martes (Enero 11), susundan ng Enero 17 hanggang 21, Enero 24 hanggang 28, at Enero 31.
“Maglalagay ng antigen testing sites ang MRT-3 sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue,” ayon sa abiso ng MRT-3.
Sa bawat istasyon ay mapapaunlakanng MRT-3 ang aabot sa 12 pasahero kada peak period o 24 na pasahero bawat araw.
“Isasagawa angrandom antigen testingsaconsenting and volunteering passengerstuwingpeak hoursmula7 a.m.hanggang9 a.m.,at mula5 p.m.hanggang7 p.m.,” ayon sa MRT-3.
Paalala ng MRT-3, bago ang suriin ang bawat pasahero, oobligahin muna silang punan ang consent at contact tracing form.
Idinagdag pa ng MRT-3, ang sinumang magpopositibosa pagsusuri ay hindi papayagang sumakay ng tren at sasabihangagad na mag-self-isolate at makikipag-ugnayan din sa kanilang local government unit (LGU) para sa kanyang health monitoring at confirmatory ng kanyangreverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
PNA