Nagpositibona rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera.

Aniya, nagpasuri ito laban sa sakit bilang bahagi ng regular health protocols sa bahay at sa opisina kung saan natuklasang nagpositibo ito.

“This morning, I received the result of my test, which showed that I am COVID-19 positive,” sabi ni De Vera sa kanyang Facebook post nitong Enero 6.

“I am currently experiencing mild symptoms,” aniya.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Pinayuhan na rin nito ang mga nakasalamuha niya sa nakalipas na mga araw na mag-self-quarantine na upang masubaybayan ang anumang sintomas at magpasuri kung kinakailangan.

Pinatunayan din nito na walang pinipili ang tinatamaan ng sakit dahil nagpa-booster shot na ito nitong Enero 3.

“I urge everyone to get their booster shots or get vaccinated as soon as possible to reduce the risk of infection and help protect against severe illness andhospitalizationdue to COVID,” sabi pa nito.